ILLEGAL QUARRYING AT ILLEGAL POULTRY FARMS SA DALAWANG DISTRITO NG PANGASINAN, TINUTUTUKAN

Tututukan ang mga ilegal na aktibidad at establisyemento na nakakaapekto sa kalikasan sa ikatlo at ika-anim na Distrito ng Pangasinan.

Ilan sa mga tinalakay ang waste management, ilegal na operasyon ng manukan at ilegal quarrying dahil sa epekto nito sa kalusugan ng mga residente at proteksyon ng kalikasan.

Iginiit ang kaukulang pagtugon ng Environmental Management Bureau at Mines and Geosciences Bureau ng Department of Environment and Natural Resources sa pagpapatupad ng batas at regulasyong pangkalikasan.

Layunin na matiyak ang pagtalima ng mga kompanya at indibidwal na may-ari ng mga establisyimento sa mga regulasyon na itinakda ng tanggapan upang mapangalagaan ang kalikasan at maiwasan ang banta sa kaligtasan ng mga komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments