Illegal Recruiter na Wanted sa Baguio City, Nadakip sa Cagayan

Cauayan City, Isabela- Tuluyan nang bumagsak sa kamay ng mga alagad ng batas ang isang OFW na itinuturing na Top 10 most wanted person sa Baguio City matapos maaresto sa bayan ng Peñablanca, Cagayan.

Ang akusado ay nakilalang si Jeraldine Pagulayan, 49 taong gulang, may-asawa, OFW, at residente ng Zone 4, Alimannao, Peñablanca, Cagayan.

Una rito nagsanib-pwersa ang kapulisan ng Peñablanca Police Station; CIU Baguio Station 3, CIDG Baguio CFU, RECU-COR at Baguio CIT-RIU 14 upang isilbi ang warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court First Judicial Region, Branch 5, Baguio City na may petsang Enero 17, 2014 para sa kasong Large Scale Illegal Recruitment na kung saan walang inirekomendang piyansa ang korte para sa kanyang pansamantalang Kalayaan.


Nabatid na pitong (7) taon nang nagtatago sa batas ang akusado dahil sa kaso nitong Large scale illegal recruitment.

Nagpapakilala umano ang akusado bilang isang lisensyadong rekruter ng mga nais magtrabaho sa abroad at hinihingan din ng pera ang mga rekrut nito.

Ipinasakamay na sa Baguio City Police Station ang akusado at nakatakda rin ipasakamay sa court of origin.

Facebook Comments