Ipinasara ng Department of Migrant Workers (DMW) ang isa na namang illegal recruitment firm na nagpapanggap na travel agency sa Mandaluyong City.
Naaresto rin sa entrapment at closure operation ng DMW- Migrant Workers Protection Bureau at Mandaluyong PNP ang dalawang babaeng empleyado ngThrifty International Travel and Tours na nag-aalok ng trabaho sa Japan.
Sinabi ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac na ang dalawang suspek ay nag-aalok ng trabaho sa Japan bilang household worker at may sweldo raw na P60,000 kada buwan.
Naniningil din daw ito P120,000 na processing fee.
Bukod dito, mayroon din aniyang alok na trabaho sa Japan na construction worker at naniningil naman ng P150,000 para maproseso ang kanilang mga dokumento.
Direct hire ang ginagawa ng mga suspek at hindi na raw kailangan na mag-aral ng Nihongo.