ILLEGAL SETTLERS SA PEZA, HINAHANAPAN NA NG RELOKASYON!

Baguio, Philippines – Sa pagsasa-ayos at pagpapalawak ng Philippine Economic Zone Autority o PEZA, ilang mga illigal settlers, na karamihan ay indigenous people, na umuukupa sa 30 na hetarya nito, na ibinigay naman ng gobyerno sa PEZA sa pamamagitan ng Presidential Decree, ang hinahanapan na ng bagong lugar na paglilipatan sa mga ito.

Philippine Economic Zone Authority o PEZA Director General, Charito Plaza, mayroon itinalagang 69 na ektarya ng lupa para sa PEZA pero 28 na ektarya lamang dito ang nagagamit at ang natitira ay iligal na inuukupa at isang imbestigasyon ang isasagawa ng lokal na gobyerno patungkol sa isyu.

Ang nasabing pagpapalawak sa PEZA ay para magbigay daan sa marketing promotion ng lokal na produkto ng Baguio – La Trinidad – Itogon – Sablan – Tuba – Tublay (BLISTT) para mas dumami din ang tumangkilik sa lokal na produkto at pagbibigay din ng trabaho o Job Opportunities sa lokal na mga residente.


iDOL saan kaya sa marerelocate?

Facebook Comments