ILLEGAL SHIPMENT | 5 importers, kinasuhan ng Bureau of Customs sa DOJ

Manila, Philippines – Limang importers ang kinasuhan ng Bureau of Customs dahil sa 20.5-million na halaga ng illegal shipment.

Kabilang sa mga kinasuhan ng large-scale agricultural smuggling ang mga opisyal ng Malaya Multi-Purpose Cooperative, na sina Oscar Catacutan, Mario Briones, Eddie Lalu, Randy Turla, Alfredo Guevarra at customs broker Mary Faith Duran Miro.

Bunga ito ng misdeclaration sa P2.5 million na halaga ng mga sibuyas, mansanas at peras.


Si Stanley Tan, may-ari ng P9.4 million na shipment ng counterfeit cigarettes at beauty products ang kinasuhan ng paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) at paglabag sa Intellectual Property Code of the Philippines (IPC).

Si Samuel M. Alvarado naman na pangulo at major stockholder ng Pherica International Corporation , at customs broker, Nazario S. Maglanque ay kinasuhan ng BOC dahil sa pag-import ng plush toys nang walang import permit mula sa Food and Drug Administration, na paglabag sa Food and Drug Administration Act of 2009.

Kinasuhan naman ng smuggling si Ismael Tayuan Malingco, may-ari ng IT Malingco, gayundin ang customs broker na si Erlinda V. Dumalaog dahil sa pag-import ng foodstuff, air freshener, at shampoo, na may halagang P6.5-million at walang import permit mula sa FDA.
Samantala, si Marnie B. Seguiran, may-ari ng Power Buster Marketing na nag-angkat ng P1.6 million na halaga ng fireworks at firecrackers ay kinasuhan ng paglabag sa An Act Regulating the Sale, Manufacture, Distribution, and Use of Firecrackers and other Pyrotechnic Devices.

Facebook Comments