ILLEGAL TRADE | Yaman at koneksyon ni Peter Lim hamon sa PNP para maaresto ito

Manila, Philippines – Isang malaking hamon o challenge para sa Philippine National Police (PNP) ang pagiging mayaman at maraming koneksyon ng umano’y drug lord na si Peter Lim kaya hindi pa ito naaresto.

Ito ay matapos na magpalabas ng warrant of arrest noong August 14, 2018 ang Makati Court dahil sa kinakaharap nitong two counts ng paglabag sa Drug Trade Conspiracy Provision of the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Pero ayon kay PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde hindi sila tumitigil sa paghahanap rito.


Kamakalawa tinungo ng mga tauhan ng Cebu City Police office ang dalawang tirahan ni Peter Lim sa Cebu pero hindi na ito natagpuan pa.

May mga report rin na nakalabas na sa bansa si Lim gamit ang backdoor exit sa Palawan.

Sinabi ni Albayalde na sa tulong ng taong bayan ay mahuhuli rin ang drug lord na si Peter Lim.

Una nang inatasan ni Albayalde ang PNP-CIDG na manguna sa pagtugis sa drug lord.

Facebook Comments