Manila, Philippines – Posibleng palayain na ngayong araw ang “Ilocos 6” na kinabibilangan ng anim na empleyado ng Ilocos provincial government.
Naghain na ng mosyon si House Majority Leader Rodolfo Fariñas para sa kanilang release order.
Ito ay matapos nilang aminin sa imbestigasyon ng House Committee on Good Government and Public Accountability kanina.
Nasa kanila nga ang mga pirma sa mga tseke at iba pang dokumento na ginamitan ng tobacco excise tax fund.
Kasabay rin ng pagharap ni Ilocos Gov. Imee Marcos sa komite kanina ay tinatapos na rin ng komite ang nasabing imbestigasyon.
Facebook Comments