Planong itatag ang Ilocos Norte Command Center na pagmumulan ng agarang equipment, datos at personnel para sa anumang emergency.
Ang hakbang ay kasunod ng mga nagdaang malalakas na bagyo na humagupit at nagpadapa sa lalawigan bilang bahagi ng adhikain na mapanatiling ligtas ang bawat Ilocano.
Itinaas din ang antas ang opisina ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management na awtorisado sa paggamit ng kakayahan para sa epektibong operasyon.
Tuwing may kalamidad, kasado na ang pagpapatupad ng Libreng Sakay para sa graveyard workers na may rutang tatahak sa Laoag, Sarrat, Dingras, Bacarra, Pasuquin, and Batac-Paoay.
Kaugnay nito, pinalalakas pa ng tanggapan ang kakayahan ng mga local volunteers at barangay upang mabilis na mapaabot ang tulong sa mga komunidad pagkatapos ng unos dulot ng kalamidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







