Ilocos Norte Gov. Imee Marcos, dudulog sa Korte Suprema para pigilan ang house probe kaugnay ng ‘Ilocos 6’

Manila, Philippines – Naghain na ang kampo ni Ilocos Gov. Imee Marcos at ng anim na Ilocos Norte Provincial Officials ng omnibus petition sa korte.

Hiniling ng mga ito sa S-C na kunin na ang habeas corpus petition ng “Ilocos 6” mula sa Court of Appeals; ipatigil ang imbestigasyon ng kamara at mag-isyu ng Writ of Amparo para protektahan si Marcos at ang anim sa anumang banta sa kanilang seguridad.

Matatandaang pinagbibintangan si Marcos na nagwaldas ng 66.45 million pesos ng provincial excise tax funds para sa pagbili ng mga sasakyan ng walang bidding.


Sa ngayon ay mahigit isang buwan nang nakakulong ang Ilocos 6 sa kamara, matapos na tumanggi ang mga ito na sumagot sa mga tanong sa hearing.

Pero nanindigan si Marcos na walang anomalya, walang nawaldas na pera at hindi rin sila sinisita ng Commission on Audit dahil nakinabang naman dito ang mga magsasaka.

Kasabay nito ay binuweltahan din ni Marcos si Majority Floor Leader Rodolfo Fariñas na minsang naakusahan sa pagwaldas ng excise tax funds.

Pero sabi naman ni Fariñas, kung nagsasabi ng totoo si Marcos ay hindi ito dapat matakot humarap sa imbestigasyon ng Kamara.

Facebook Comments