Ilocos Norte Gov. Imee Marcos, Pangunahing Bisita ng Isabela!

City of Ilagan, Isabela – Dadaluhan ni Ilocos Norte Governor Imee Marcos ang ilang pangunahing aktibidad ngayon dito sa lalawigan ng Isabela.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay ginoong Romy Santos, media consultant ng Isabela Provincial Affairs na pangungunahan ni Governor Imee Marcos ang isang Forum on Youth Empowerment sa Isabela State University o ISU na dadaluhan ng mga leader estudyante.

Pagkatapos sa ISU at tutungo si Governor Marcos sa Bayan ng Naguillian at Gamu Isabela upang pangunahan ang panunumpa ng mga elected officials ng nakalipas na Barangay at Sk Election.


Makikipulong din umano ang gobernadora Marcos sa mga Women,Youth ar Senior Citizen group dito sa lalawigan ng Isabela.

Sinabi pa ni Ginoong Santos na dadalo rin si Ilocos Norte Governor Marcos sa Dance Fest sa City of Ilagan Sports Complex mamayang alas syete ng gabi.

Samatala ang Dance Fest ay pangungunahan ni International Zumba Marter William Flores kasama ang ilang dayuhang bisita na makikiisa rin sa dry run ng zumba concert na makakuha ng bilang na labing limang libong zumba dancers sa layuning matibag ang bilang ng zumba dancers sa Guiness Book World Recods na mayroong labing dalawang libo.

Facebook Comments