Ilocos Norte Governor Imee Marcos, nagpasaklolo na sa SC kaugnay ng detention sa Ilocos 6

Manila, Philippines – Walang balak si Governor Imee Marcos ng Ilocos Norte na isangkot pa si President Rodrigo Duterte sa away pulitika nila ni Majority Leader Rodolfo Fariñas.

Sa press briefing sa Maynila matapos na magharap ng motion para sa writ of amparo ang kampo ni Marcos sa SC, sinabi ni Marcos na abala na si Duterte sa giyera sa Marawi kung kayat ayaw na niyang maging dagdag sakit ng ulo.

Away pulitika aniya ito na nireresolba dapat ng mga susunod na eleksyon.


Ipinauubaya na niya sa mataas na hukuman ang pagkuwestiyon nila sa patuloy na pagdetine sa anim na provincial employees na inilarawan niyang terorismo na masahol pa sa panghohostage ng Maute sa Marawi.

Umaasa siya na kung anuman ang maging pasiya ng SC ay hindi susuwayin ng mga lider ng Kamara.

Nagdadalawang isip si Imee na dumalo sa hearing ng House Committee on Good Government dahil ito ay umaaktong tagalitis at hukom.

Kung matitiyak niya na patas ang pagtrato sa kaniya ay sisipot siya sa pagdinig.

Nilinaw din niya na presumption on of regularity ng paggamit ng tobacco excise tax alinsunod sa annual audit report.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments