Ilocos Norte, isasailalim sa MECQ hanggang September 30

Isasailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang buong Ilocos Norte simula ngayong araw hanggang September 30.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, hindi na papayagang makapag-operate ang mga non-essential service sa lugar.

Hindi rin papahintulutan maging ang pagbubukas ng mga personal care service.


Mananatili naman sa MECQ hanggang sa katapusan ng buwan ang Apayao, Bataan, Bulacan, Cavite, Lucena City, Rizal, Laguna, Iloilo province, Iloilo City at Cagayan de Oro City.

Facebook Comments