ILOCOS NORTE, ISINAILALIM SA STATE OF CALAMITY DAHIL SA PINSALA NG BAGYONG NANDO

Idineklara ng Sangguniang Panlalawigan ng Ilocos Norte ang buong lalawigan sa ilalim ng state of calamity matapos ang pananalasa ng Super Typhoon Nando.

Naghatid ang bagyo ng malalakas na ulan, matitinding hangin, at malawakang pagbaha na nagdulot ng malaking pinsala sa mga ari-arian, sakahan, at kabuhayan sa iba’t ibang bahagi ng probinsya.

Batay sa ulat, umabot na sa higit ₱2.1 bilyon ang kabuuang halaga ng pinsala.

Sa agrikultura, kabilang ang hayop at manok, tinatayang ₱313 milyon ang naitalang pagkalugi.

Sa kabila ng pinsala, walang naitalang nasawi mula sa bagyo.

Facebook Comments