ILOCOS NORTE POLICE, SUMANGGUNI SA TECHNOLOGY COMPANIES SA IMBESTIGASYON NG MGA BOMB THREAT

Sumangguni ang Ilocos Norte Police Provincial Office (INPPO) sa technology companies upang matulungan sa imbestigasyon ng mga bomb threat sa ilang unibersidad sa lalawigan.

Ayon kay PCOL Joemar Labiano, Provincial Director ng INPPO, isinagawa ang Emergency Disclosure of Data Request upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

Layunin ng pakikipag-ugnayan na masundan ang mga nagpadala ng banta at makalikom ng ebidensya laban sa kanila.

Ipinahayag ni Labiano na susuriin ang mga datos mula sa Meta at Google upang mas mapabilis ang pagtukoy sa mga responsable.

Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang insidente habang nakikipagtulungan sa mga tech company para sa karampatang hakbang.

Facebook Comments