Manila, Philippines – Umapela si Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos na pakawalan ang tinaguriang ‘Ilocos 6’.
Humarap si ginang Marcos matapos di sumipot sa imbestigasyon ng kamara tungkol sa paggamit ng tobacco excise tax ng probinsya ang kanyang anak na si Ilocos Norte Gov. Imee Marcos.
Hindi nagsalita sa pagdinig si Imelda pero pinabasa kay Surigao Del Sur Representative Johnny Ty na siyang namuno sa pagdinig ang sulat para kay House Speaker Pantaleon Alvarez na hinihiling niyang pakawalan na ang anim na nakulong.
Tugon naman ni Ty – kailangang munang makapagpaliwanag ang anim na akusado sa isyu bago pagbigyan ang hiling.
Nakulong ang anim dahil sa hindi pagsagot dahil sa mga katanungan tungkol sa mga sasakyan na binili at mapahanggang ngayon ay matigas padin ang mga Ilocos 6.
Pinasasa-subpoena naman ng Majority Floor Leader Rudy Fariñas ang scanned copy ng mga tseke na inencash ng Landbank na itinatanggi ng Ilocos 6 dahil nawawala na ang orihinal na kopya nito.
Iminungkahi naman ni oriental Mindoro Representative Reynaldo Umali, na isyuhan ng show cost ordered ang tatlong Court of Appeals Justices na nagapruba ng released order ng Ilocos 6.
Dahil nananatili namang matigas ang Ilocos 6 ay ibinalik sila sa selda.