Ilocos Norte Rep. “Sandro” Marcos, tinawag na kasuklam-suklam ang pahayag ni VP Duterte laban sa kanyang ama at lolo

Nagsalita na si House Senior Deputy Majority Leader at Ilocos Norte Rep. “Sandro” Marcos kaugnay sa mga pahayag ni Vice President Sara Duterte laban sa kanyang pamilya.

Tinawag na kasuklam-suklam ng anak ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. ang mga sinabi ni Duterte.

Ani Sandro, ang mga tirada ni Duterte sa kaniyang pamilya ay patunay na hindi dapat balewalain ang mental health ng isang indibidwal.


Ani Marcos, sa simula ay nanahimik siya sa kabila ng masasakit na salita na binitawan ni Duterte bilang respeto sa opisina ng bise presidente.

Ayon pa sa nakababatang Marcos, sana ay matagpuan ng bise presidente ang kapayapaan at kalinawan ng pag-iisip.

Facebook Comments