Ilocos RDC-1 Full Council Meeting at Regional Development Plan 2017-2022 Launching ginanap ngayong araw

Ginanap nga ngayong araw ang Regular Regional Development Plan (RDP) 2017-2022 sa San Fernando City, La Union para ilatag ang strategic direction for the development ng rehiyon uno. Nauna dito isinagawa ang 2nd Regular Regional Development Council Region 1 Meeting kung saan dinaluhan ito ng iba’t ibang sektor upang talakayin ang mga developments sa rehiyon uno. Natalakay sa nasabing pagpupulong ang mga development outcome sa governance, economic, social, infrastructure, and environment and natural resources.

Pinangunahan ni RDC-1 Chairperson Hon. Juan Carlo S. Medina ang RDP 2017-2022 Launching na sinundan ng pag-talakay sa Three Pilars ng RDP 2017-2022. Pinangunahan ni La Union Gov. Francisco R. Ortega III ang pag-talakay sa unang pillar patungkol sa Malasakit: Ensuring People-Centered, Clean, and Efficient Governance. Pagbabago na tinalakay ni CHED-1 Dir. Cherrie Melanie A. Diego, kung saan ipinaliwanag nito ang tungkol sa Accelerating Human Capital Development. Samantalang si Dr. Armando Q. Ganal mula naman sa DOST-1 ang tumalakay sa huling pillar na Patuloy na Pag-unlad, kung saan ipinaliwanang nito ang kahalagahan ng teknolohiya sa pagbabago at pag-unlad ng rehiyon.

Pahapyaw din na ibinahagi ni OIC DRD Mr. Freddie M. Lazaro ng PIA Region 1 ang patungkol sa overview ng ASEAN at 50, ang kahalagahan at gampanin natin bilang chairman ng nasabing organisasyon ngayong taon. Nagtapos ang okasyon sa unveiling ng RDP 2017-2022 na pinangunahan ni NEDA Director at RDC Vice Chairperson Dir. Nestor G. Rillon na hinikayat ang bawat isa na aktibong makilahok para sa sama-samang pag-abot ng ambisyon ng gobyerno para sa mamamayan nito.


The Ilocos Regional Development Plan (RDP) 2017-2022 provides the strategc direction for the development of Region 1. The plan aims to lay a strong foundation for inclusive growth, a high-trust and resilient society, and a globally competitive regional knowledge economy.

Facebook Comments