Ilocos Region, binigyan ng DA ng ₱29-M para mabayaran ang hog raisers na naapektuhan ng ASF

Makakatanggap na ng kumpensasyon ang nasa 885 na hog raisers sa Ilocos Region na naapektuhan ng African Swine Fever (ASF) noong nakalipas na taon.

Kabilang sa mabibigyan ng kumpensasyon ay hog raisers sa Pangasinan at La Union na lubhang nalugi dahil sa culling o pagpatay sa kanilang mga baboy na nasa 5,811.

Mahigit sa ₱29 milyong pondo ang ipinalabas na ng Department of Agriculture (DA)-Regional Office para sa kompensasyon.


Kabilang sa mga benepisyaryo ng unang phase ng kompensasyon na aabot ng ₱7 million ay ang 327 ASF-affected hog raisers sa Mapandan, Bayambang, Dagupan City, Binmaley sa Pangasinan.

Ipinagkaloob na rin ng DA para sa second phase ng distribusyon ang ₱22.235 million na pondo sa 558 ASF-affected hog raisers mula sa 33 barangays ng 11 munisipalidad ng Pangasinan at isang siyudad sa La Union.

Sa labing-isang (11) munisipalidad ng Pangasinan, ang bayan ng Mangaldan ang nakakuha ng pinakamalaking share ng pondo na aabot sa ₱8.87 million para sa 222 ASF-affected hog raisers.

Facebook Comments