Pormal nang inanunsyo ang Rehiyon Uno bilang pinaka-unang rehiyon sa Pilipinas na malaya na sa insurhensiya.
Nangyari ang pormal na deklarasyon nito sa EM Royalle sa San Juan, sa La Union nang pinirmahan ito ng Regional Development Council, Regional Peace and Order Council, at ng Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict and Resolution No. 1 s. 2022 na nagdeklara ng “State of Stable Internal Peace and Security” sa Region 1.
Sa isang press briefing na pinangunahan ng Philippine Information Agency Region 1, pinuri ni National Security Adviser and CORDS for Region 1, Secretary Hermogenes Esperon ang pagsisikap ng lahat ng sangay ng gobyerno sa rehiyon upang mapanatili ang kaayusan at ng pag-unlad ng rehiyon sa pamamagitan ng Whole-of-Nation Approach.
Ayon naman kay Northern Luzon Command Commander (NOLCOM) Lt. Gen. Ernest Torres Jr., sa pagtatapos umano ng insurgency sa Ilocos Region ay gagawin ng NOLCOM ang lahat makakaya nila para matapos na ang kahit anong aktibidad ng mga teroristang komunista sa iba pang rehiyon sa kanilang area of responsibility. | ifmnews
Facebook Comments