Naniniwala ang Armed Forces of the Philippines 702nd Infantry Brigade na maideklarang insurgency-free na ang Ilocos Region sa katapusan ng buwang ngayong 2021 kasunod nito ng pagkabuwag sa Komiteng Larangan Guerilla-South Ilocos Sur (KLG-SIS) at ng New People’s Army dito sa rehiyon.
Sinabi ni Brig. Gen. Krishnamurti Mortela, Commander of the 702nd Infantry Brigade, ang mga natitirang na lamang na communist-terrorist group ay inorganisa ng mga underground movements at tinututukan ngayon nila ang redirecting, reorienting, at de-radicalizing sa pag iisip ng mga ito.
Dagdag pa nito na pinagtutuunan ngayon ng army, katuwang national government agencies, at mga LGUs ang pagsustain ng peace and development sa rehiyon dahil sa wala na umano silang namataan na NPA ngayong taon.
Samantala, kasabay nito, mula noong Enero ngayong taon ay nakipaglaban na ang mga ahensya ng Department of Labor and Employment, Technical Education and Skills Development Authority, Department of Trade and Industry, and Department of Agriculture ng aabot sa PHP10.4 million worth ng livelihood projects at pagsasanay para sa mga former rebels at redirected people’s organizations mula naman sa Ilocos Sur at Abra.
Asahan naman umano na bago matapos ang taon ay mas darami pa ang livelihood projects para sa mga lugar na naimpluwensiyahan ng mga NPA katuwang larin ang LGUs, at non-government associations o NGAs.