Bilang pagpapaigting sa pagtugon sa mga sakuna lalo na ngayong panahon ng kapaskuhan, namahagi ang Department of Interior and Local Government Unit ng ambulansya sa mga fire station sa bansa.
Ang Ilocos Region ay isa sa mga mabibigyan nito sa buong bansa kung saan anim na units ang inilaan sa rehiyon na nakatakdang ibigay sa mga LGU dito.
Layunin ng DILG sa pamamahagi ng ambulansya na mapanatili ang kaligtasan ng publiko at ang maagap na pag responde.
Sinabi ng kagawaran na magpapatuloy ang pagsisikap nito sa paghasa sa kagalingan ng mga barangay officials upang maging isang force multipliers na mangunguna sa sunog at iba pang kalamidad sa tulong na rin ng pribadong sektor nang mabigyan ng health and hospitalization benefits. |ifmnews
Facebook Comments