ILOCOS REGION, NAKAPAGBAKUNA NA NG HIGIT 34K KATAO NAKABILANG SA GENERAL ADULT POPULATION

Umabot na sa higit 34, 000 ang bilang ng mga indibidwal na kabilang sa general adult population ang nabakunahan sa Ilocos Region.

Ayon kay Dr. Rheuel Bobis, COVID-19 focal person, nakapagbakuna na kontra COVID-19 ang rehiyon sa 34, 769 na katao na kabilang sa general adult population at 826 dito ang fully vaccinated.

Kabilang sa general adult population ang mga taong hindi nakasama sa mga naunang priority group sa vaccine roll out na edad 17 pataas.


Matatandaan na pinayagan na ang pagbabakuna sa mga ito dahil sa mayroong sapat na bakuna ang Pilipinas para sa pagbabakuna sa lahat ng adult population.

Sa ngayon nasa 3,595, 100 na COVID-19 Vaccine ang natanggap ng Region 1. ###

Facebook Comments