Naghatid ang Office of Civil Defense (OCD) ng family kits sa mga pamilyang naapektuhan ng mga bagyong Nando at Opong sa Ilocos Region.
Sa koordinasyon ng iba’t ibang ahensya, nakipag-ugnayan ang OCD at National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa Philippine Coast Guard para sa transportasyon ng 1,000 family kits patungong Ilocos Region.
Bahagi ito ng nagpapatuloy na response at recovery operations ng pamahalaan upang agad na maibsan ang epekto ng kalamidad sa mga komunidad.
Ayon sa OCD, ang kanilang aksyon ay alinsunod sa mandato ng ahensya at sa direktiba ng pamahalaan upang matiyak na makarating agad ang kinakailangang tulong sa mga nasalanta.
Facebook Comments








