Ipinagdiwang kahapon ang International Day for Disaster Risk Reduction sa iba’t ibang bahagi ng Ilocos Region, kasabay ng panawagan para sa mas matatag at handang mga komunidad sa harap ng tumitinding epekto ng mga kalamidad.
Sa mga pahayag ng mga lokal na pamahalaan at ahensyang pang-DRRM, binigyang-diin ang kahalagahan ng maagang paghahanda, tamang impormasyon, at pagtutulungan upang mabawasan ang pinsala ng sakuna.
Kamakailan, ilang bagyo ang tumama sa hilagang Luzon, kabilang ang Pangasinan at Ilocos Sur, na nagdulot ng pagbaha at pinsala sa kabuhayan.
Nitong Oktubre, sunod-sunod ding yumanig ang mga lindol sa iba’t ibang bahagi ng bansa na sumira sa mga gusali at kumitil ng hindi bababa sa 70 katao.
Sa pamamagitan ng mga aktibidad at online awareness drives, hinikayat ng mga lokal na opisina ang pagpapatupad ng mas kongkretong hakbang para sa kahandaan at rehabilitasyon.










