Napanatili sa Region I ang pagiging malaya mula sa insurgency hanggang sa kasalukuyan.
Ayon kay Executive Director Fay Amparo Sinocruz ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA), ipagpapatuloy ang pagsusumikap upang pigilan ang muling pag-usbong communist-terrorist na mga grupo.
Pinuri rin nito ang isinasagawang hakbang sa pangunguna ng Joint Regional Task Force on Ending Local Communist Armed Conflict 1 sa pagtataguyod nito.
Samantala, alinsunod ito sa adhikain ng kasalukuyang administrasyon kung saan inihayag ni PBBM sa kanyang naging State of the Nation Address kamakailan ma wala na umanong nalalabing grupong gerilya sa bansa, at ang pagtitiyak nitong hindi na muli hahayaan pa ang pag-usbong ng mga ito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments







