Ilocos Sur DPWH 1st District engineer, nakapagsumite na ng courtesy resignation

Naisumite na rin ni Ilocos Sur First Engineering District Engr. Reynaldo Ablog ang kanyang courtesy resignation kay DPWH Sec. Vince Dizon, ilang araw matapos ang direktiba ng nasabing sekretaryo sa pagpapasa ng courtesy resignation ng mga opisyal ng DPWH mula sa pinakamataas na posisyon hanggang sa mga district engineers.

Ayon kay Engr. Ablog, bagama’t wala namang ghost project o maanomalyang flood control project sa unang distrito, susunod pa rin ito sa utos ng nakatataas sa kanya at mananatili sa posisyon habang hinihintay ang desisyon ng Pangulo.

Umaasa si DPWH First Engineering District Engr. Reynaldo Ablog na positibo ang desisyon ng Pangulo sa kanyang ipinasang courtesy resignation dahil dumaan naman lahat diumano ang mga proyekto ng DPWH sa tamang proseso.

Facebook Comments