Ipinagdiriwang ng mga residente sa lalawigan ng Ilocos Sur ang Ilocos Sur Festival 2025 na nag-umpisa na huling linggo ng buwan ng Enero.
Iba’t-ibang mga aktibidad ang inihanda ng Pamahalaang Panlalawigan na inaasahang aabangan at dadaluhan ng mga residente at turista.
Ilan sa mga ito ay ang Ilocos Sur Trade and Food Fair katuwang ang Department of Trade and Industry (DTI), kasabay nito ang ‘An Evening with Balikbayans’. Magaganap din ang Ilocos Sur Pride Queen, Miss at Mister Ilocos Sur 2025.
Kabilang pa sa pagdiriwang ang Pallot Tribute to Elderlies, Fur Parade, Motocross Day, Tinntoan: Tattoo Expo, Bangkarera, Ilocuisine, Marching Band Competition, Gen Z-arsuela, Foam Fest: Run and Rave, at iba pa. Magtatagal ang naturang selebrasyon hanggang ika-13 ng Pebrero. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨