ILOCOS SUR FISHERFOLK, NABIGYAN NG TULONG MULA SA BFAR

Iba’t ibang asosasyon ng mangingisda sa Ilocos Sur ang nakatanggap ng tulong mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Regional Office 1 nitong Martes, Setyembre 16, kasabay ng pagdiriwang ng ika-66 Fishery Industry Forum sa Candon Civic Center.

Kabilang sa ipinamahagi ang mga bangus, cooler boxes, digital weighing scale, collapsible cages, fingerlings, feeds, bamboo rafts, oyster spat collections, net enclosures, at iba’t ibang gamit para sa pangingisda at pangkabuhayan.

Sampung asosasyon naman ng gumagawa ng asin ang nakatanggap din ng postharvest materials, packaging supplies, storage facilities, at iba pang kagamitan para sa pagpapalakas ng lokal na industriya ng asin.

Bukod dito, pinagkalooban ng certificates of registration ang ilang shrimp farm operators sa Santa Catalina at San Vicente, na makakatanggap din ng libu-libong disease-free shrimp post larvae sa ilalim ng National Shrimp Production Program. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments