ILOCOS SUR, NAMAHAGI NG EMERGENCY GO BAG SA MGA RESIDENTE

Sinimulan na ng Pamahalaang Panlalawigan ng Ilocos Sur ang pamamahagi ng mga Emergency Go Bag sa ilalim ng Project “Agsagana,” na ipinatutupad ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO).

Naunang nakatanggap ng mga Go Bag ang mga residente ng Santa Lucia na lumahok sa isinagawang earthquake drill ng lokal na pamahalaan noong Setyembre 11.

Sumunod naman sa mga coastal barangay ng San Vicente kahapon, kasabay ng pagsasagawa ng lecture tungkol sa lindol at tsunami preparedness.

Nilalaman ng mga Go Bag ang mga pangunahing gamit tulad ng flashlight, pito, emergency blanket, first aid kit, glow stick, at iba pang mahahalagang kagamitan na magagamit tuwing may bagyo, lindol, o iba pang uri ng sakuna.

Facebook Comments