Ilog Pasig, target ni PBBM na maging world-class river

Target ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na maging world class river ang ilog Pasig.

Ito ang inahayag ng pangulo sa inagurasyon ng Pasig River Urban Development Showcase Area Phase 1C sa Binondo, Manila kagabi.

Ayon kay Pangulong Marcos, pwede aniya itong maging katulad ng Seine River sa Paris France, Thames sa London, at Chao Phraya sa Bangkok.


Hatid ng Pasig Bigyang Buhay Muli project ang pedestrian-friendly infrastructure, green spaces, at commercial zones na bahagi ng rehabilitasyon ng ilog.

Nangako naman ang pangulo na patuloy na aayusin ang Ilog Pasig at target matapos ang pagsasaayos nito sa loob ng tatlong taon.

Hinimok din nito ang publiko na makiisa sa layuning pasiglahin ang Pasig River, na sumasalamin ng isang magandang hinaharap para sa Pilipinas.

Nabatid na ang pinakabagong Pasig River Esplanade ay magkokonekta sa Jones Bridge papuntang Plaza Mexico at Fort Santiago sa Intramuros.

Facebook Comments