Iloilo at tatlong iba pang lugar, isinailalim sa ECQ; NCR, mananatili sa GCQ with heightened restrictions

Mananatili ang mahigpit na quarantine restrictions sa ilang bahagi ng bansa sa susunod na buwan para mapigilan ang surge ng kaso bunga ng COVID-19 Delta variant.

Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na ilagay ang mga lugar sa sumusunod na quarantine classifications.

Enhanced Community Quarantine (ECQ) – mula August 1 hanggang August 7:
1. Iloilo City
2. Iloilo Province
3. Cagayan de Oro City
4. Gingoog City


Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) – mula August 1 hanggang 15:
1. Ilocos Norte
2. Bataan
3. Lapu-Lapu City
4. Mandaue City

General Community Quarantine (GCQ) with heightened restrictions – mula August 1 hanggang 15:
1. Metro Manila
2. Ilocos Sur
3. Cagayan
4. Bulacan
5. Laguna
6. Lucena City
7. Cavite
8. Rizal
9. Naga City
10. Antique
11. Aklan
12. Bacolod City
13. Capiz
14. Negros Oriental
15. Zamboanga del Sur
16. Misamis Oriental
17. Davao City
18. Davao del Norte
19. Davao de Oro
20. Davao Occidental
21. Butuan City

Normal GCQ – mula August 1 hanggang 31
1. Baguio City
2. Apayao,
3. City of Santiago
4. Isabela
5. Nueva Vizcaya
6. Quirino
7. Quezon
8. Batangas
9. Puerto Princesa
10. Guimaras
11. Negros Occidental
12. Zamboanga Sibugay
13. City of Zamboanga
14. Zamboanga del Norte
15. Davao Oriental
16. Davao del Sur
17. General Santos City
18. Sultan Kudarat
19. Sarangani
20. North Cotabato
21. South Cotabato
22. Agusan del Norte
23. Surigao del Norte
24. Agusan del Sur
25. Dinagat Islands
26. Surigao del Sur
27. Cotabato City

Ang natitirang bahagi ng bansa ay nasa ilalim ng modified GCQ para sa buong buwan ng Agosto.

Sa kanyang Talk to the Nation Address, sinabi ni Pangulong Duterte na mahalagang magpatupad ng stricter measures para na rin sa kapakanan ng mga tao.

Kaugnay nito, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na maaari pa ring umapela ang mga local government units (LGUs) ukol sa inirekomenda sa kanilang quarantine classification.

Facebook Comments