Iloilo City, high risk pa rin sa COVID-19 – OCTA

Sa kabila ng patuloy na pagbaba ng kaso ng COVID-19, nananatiling high risk ang Iloilo City sa mga highly urbanized cities (HUCs) sa Visayas.

Sa datos ng OCTA Research Group, hanggang kahapon ay nasa 64% pa ang healthcare utilization rate (HCUR) sa Iloilo City.

Bumaba naman sa 55% ang COVID-19 growth rate sa lungsod habang nasa 22.11 ang average daily attack rate (ADAR) o ang seven-day average number ng naitatalang bagong kaso sa kada 100,000 populasyon.


Nasa 0.53 naman ang reproduction number sa Iloilo at 25% ang positivity rate.

Samantala, nasa moderate risk naman ng COVID-19 ang Bacolod, Cebu City, Lapu Lapu, Mandaue, Ormoc at Tacloban.

Facebook Comments