Iloilo City, isinailalim sa MECQ hanggang May 31

Isinailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang Iloilo City, epektibo ngayong araw hanggang sa May 31.

Kasunod ito ng hiling ni Mayor Jerry Treñas sa Inter-Agency Task Force (IATF) na higpitan ang quarantine restrictions kasunod ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lungsod.

As of May 22, umabot na sa 7,390 ang COVID-19 cases sa Iloilo kung saan 686 dito ang aktibong kaso.


Pinalawig naman ng IATF ang MECQ status sa Apayao, Benguet at Cagayan hanggang sa katapusan ng Mayo.

Samantala, sa IATF Resolution No. 115-A na inilabas noong May 13, isinailalim din sa MECQ hanggang May 31 ang Santiago City, Isabela; Quirino, Ifugao at Zamboanga City.

Habang inilagay sa heightened General Community Quarantine (GCQ) ang Abra, Bulacan, Cavite, Laguna, Rizal at Metro Manila.

Facebook Comments