Iloilo City, isusunod ni Ozamiz PNP Chief Jovie Espenido

285

Gusto ni Ozamis City Police Chief Jovie Espenido na maitalaga bilang hepe ng pulisya sa Iloilo City.

Ayon kay Espenido – marami na siyang nakukuhang impormasyon kaugnay sa umano’y paglipana ng droga sa Iloilo City na tinawag ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang “most shabulized” City sa bansa.

Welcome naman para kay Iloilo City Mayor Jed Mabilog na maging hepe ng PNP si Espenido sa lungsod.

Sinabi ni Mabilog na gusto niyang ipakita kay Espenido ang kanilang ginagawang kampanya kontra sa iligal na droga.

Facebook Comments