Iloilo City – Nag-alok ng isang milyong pisong pabuya si Iloilo City Mayor Jed Mabilog sa mga makapagtuturo sa mga drug suspect sa lungsod.
Inanunsyo ito ng alkalde matapos na mapatay sa shootout ang itinuturong top drug lord ng Western Visayas na si Richard Prevendido.
Tiniyak din ni Mabilog na buo ang suporta niya sa kampanya ng administrasyong Duterte kontra iligal na droga.
Si Mabilog ay kabilang sa narco-list ng Pangulo, bagay na paulit-ulit na itinatanggi ng alkalde.
Facebook Comments