Isinailalim na sa state of calamity ang Lungsod ng Iloilo matapos manalasa ang Bagyong Odette.
Sa Facebook post ni Iloilo City Mayor Jerry Treñas, sinabi nito na inaprubahan ng kanilang konseho ang pagdedeklara ng state of calamity sa lungsod.
Aniya, ang mga pamilyang tuluyang nawalan ng tirahan ay makatatanggap ng P10,000 na cash assistance habang ang mga bahagyang nasiraan ng tahanan ay bibigyan ng P4,300.
Maglalaan din aniya sila ng P42 milyon para sa financial assistance.
Kabuuang 156 na indibidwal ang nasawi, 37 ang nawawala at 275 ang sugatan sa Iloilo City dahil sa Bagyong Odette.
Facebook Comments