Iloilo City, nanatiling nasa “very high” risk habang anim na lungsod sa Visayas, ibinaba na sa high risk ng OCTA

Nanatili sa ‘very high’ risk sa COVID-19 ang lungsod ng Iloilo ayon sa OCTA Research Group.

Sinabi ni OCTA Research Group Fellow Dr. Guido David na nasa 60.45 percent ang average daily attack rate ng lungsod habang nasa 71% ang healthcare utilization rate nito.

Samantala, ibinaba na ng OCTA sa ‘high’ risk ang anim na lungsod sa Visayas na kinabibilangan ng Bacolod, Cebu City, Lapu Lapu, Mandaue, Ormoc at Tacloban.


Sinabi pa ni David na nakapagtala ang Tacloban City ng pinakamalaking pagbaba sa COVID-19 growth rate na negative 63% kung saan bumaba rin sa 0.60 ang reproduction rate nito.

Facebook Comments