Manila, Philippines – Nangako si Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog na makikipagtulungan siya kay Chief Insp. Jovie Espenido bilang bagong hepe ng pulisya sa lungsod.
Ayon kay Mabilog, hindi siya gumagamit ng iligal na droga at wala siyang pinoprotektahan na kahit sino na may kinalaman dito.
Naniniwala rin ang alkalde na hindi nakakarating sa Malakanyang ang ginagawa nila kontra illegal na droga kaya hindi siya nawawala sa narco list ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Giit pa ni Mabilog na ipinag-papasadiyos na lang niya ang kaniyang kapalaran.
Facebook Comments