Iloilo Rep. Janette Garin, naglagak ng pyiansa matapos maaresto ng Sandiganbayan

Pansamantalang nakalaya si House Deputy Majority Leader at Iloilo 1st District Rep. Janette Garin matapos na makapagpiyansa sa kasong graft at technical malversation sa Sandiganbayan.

Ang kaso ay kaugnay sa maanomalyang pag-realign at augmentation ng pondo ng gobyerno para sa pagbabakuna ng Dengvaxia noong panahon ni dating Pangulong Noynoy Aquino kung saan nagsilbi namang Health Secretary si Garin.

Naglagak ng P108,000 na piyansa si Garin upang makalaya ito.


Umaasa ang kongresista na simula na ito ng paglilinis ng kanilang pangalan upang makabalik sa regular na gawain.

Nanindigan din si Garin na nagkaroon ng measles at polio outbreak sa bansa dahil sa pagbaba ng kumpiyansa ng publiko sa bakuna.

Facebook Comments