Iloilo Rep. Janette Garin, sinabihan si Duque na ‘walk the talk’

“Walk the talk”

Ito ang sinabi ni dating Health Secretary at ngayon Iloilo 1st District Representative Janette Garin kay Health Secretary Francisco Duque III.

Matatandaang inilabas ng Senate Committee of the Whole ang rekomendasyong sampahan ng kasong malversation at graft si Duque at iba pang opisyal ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) dahil sa ginawang pag-abuso sa Interim Reimbursement Mechanism (IRM).


Ayon kay Garin, dapat aminin na lamang ni Duque na mayroong pagkukulang sa loob ng PhilHealth at itama ito.

Binigyang diin ni Garin na maraming oportunidad si Duque para magpatupad ng reporma sa ahensya.

Hindi dapat itinatanggi ni Duque ang mga kamaliang nangyayari sa ahensya.

Bilang Chairperson ng PhilHealth Board, mayroong ‘crucial role’ at ‘moral obligation’ si Duque para tiyaking malaya ang ahensya mula sa korapsyon.

Matatandaang nagsilbi si Duque bilang PhilHealth Chairperson mula 2005 hanggang 2009 at 2017.

 

Facebook Comments