Iloilo Rep. Richard Garin, nag-sorry!

Humingi ng paumanhin si Iloilo First District Representative Richard Garin.

Ito ay dahil sa ginawang pang-aalipusta at pananakit sa pulis na si PO3 Federico Macaya sa Guimbal Public Plaza.

Ayon sa mambabatas – nagalit siya kay PO3 Macaya na hindi tumutupad sa tungkulin.


Ang ikinagalit niya ay ang hindi pagtuloy ni PO3 Macaya ang paghain ng reklamo sa isang lalaking naghampas ng bote ng beer sa isa pang lalaki.

Sa kabila ng paghingi ng sorry, binawi ng PNP ang lisensya at permit to carry firearms ng mambabatas at sa anak nito na si Guimbal Mayor Oscar Garin.

Nasa 11 ang mga baril ng kongresista kung saan tatlo rito at paso na, habang sa alkalde naman ay may walong baril at lima rito ay expired na ang lisensya.

Kailangang i-turn over ng mag-ama ang kanilang mga baril sa pulisya.

Bukod sa kasong kriminal na isasampa ng PNP at ni PO3 Macaya, mahaharap din ang mag-ama sa kasong administratibo na ihahain sa Ombudsman.

Facebook Comments