ILULUNSAD | Comprehensive sexuality education, ipatutupad ng DepEd

63

Manila, Philippines – Ipapatupad na ng Department of Education (DepEd) sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan ang comprehensive sexuality education.

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, nakahanda na ang implementing guidelines para rito na nakapaloob sa DepEd Department Order 31.

Aniya, isa sa mga layunin nito na mabigyan ng respeto ang iba’t-ibang uri ng pamilya.

Giit ni Briones, mahalaga na sa murang edad ay mabatid na ng mga bata ang kahalagahan ng comprehensive sexuality education.

Facebook Comments