ILULUNSAD | Oplan isnabero, muling ilulunsad ng LTFRB

Manila, Philippines – Muling ilulunsad ng LTFRB ang kanilang “Oplan Isnabero” laban sa mga taxi driver na tatangggi ng mga pasahero.

Ayon kay Atty. Samuel Jardin, Executive Dir. ng LTFRB, hindi dapat dinadahilan ng mga driver ang traffic at layo ng biyahe.

Sa ilalim kasi aniya ng pasahe sa mga taxi, may P2 per minute travel time charge.


Nahaharap sa kaparusahan ang mga lalabag rito o mangongontrata.

Parehong P5,000 ang penalty sa unang paglabag sa refusal to convey passenger at overchraging.

Nasa P10,000 sa ikalawang paglabag habang P15,000 at kanselasyon ng prangkisa sa ikatlong paglabag.

Giit ng LTFRB na sakop rin nito ang mga TNVS driver na may sariling manuntunan sa pagkakansela ng booking ng driver.

Tiniyak naman ng LTFRB na paiitingin pa nila ang Oplan Isnabero.

Nakatakda silang makipag-ugnayan sa mga mall para makasigurong lahat ng mga pipilang taxi ay hindi tatanggi o mangongontrata ang mga pasahero.

Facebook Comments