IM BACK! | Arnold Schwarzenegger, bumubuti na ang kondisyon maapos ang heart surgery

*“I’m back!”*
Ito ang naging sagot ngayon ng terminator star Arnold Schwarzenegger matapos sumailalim sa heart surgery.

Bumubuti na ang kondisyon ng action star kung saan tagumpay na napalitan ang isang valve ng puso nito.

Kwento pa ng kanyang tagapagsalita na si Daniel Ketchell, wala nang dapat pang ikabahala ang kanyang mga taga-hanga dahil kaya daw agad makarekober ng aktor.


March 29 nang sumailalim sa operasyon si Arnold at taong 1997 naman nang una itong lagyan ng pulmonic valve.

Facebook Comments