Imahe ng Itim na Nazareno, planong ilagay sa glass case sa Traslacion

Target ng pamunuan ng simbahan ng Quiapo na ilagay sa glass case o kahong salamin ang imahe ng Itim na Nazareno para sa pagbabalik ng Traslacion sa January 9.

Ayon sa Quiapo Church Traslacion Committee plan, ito ay upang maprotektahan ang 400 taong gulang na imahe ng Nazareno mula sa pagkasira.

Bukod pa rito, ito ay para maiwasan din ang pagsampa ng mga tao sa andas at matapakan ang imahen ni Hesus.


Gayunpaman, mananatili pa rin naman anilang nakalitaw ang bahagi ng krus sa labas para sa mga nagnanais pa rin na makahawak sa imahen.

Iniinspeksyon na rin ng komite ang ruta ng prusisyon mula Quirino Grandstand hanggang Quiapo Church sa mga nakalaylay na kable, sanga ng puno, at bukas na mga manhole.

Matatandaang umabot ng halos 22 milyon ang dumagsa noong nakaraan taon kung kaya’t inaasahan ng simbahan ng Quiapo na mas higit pa ang daragsa sa Traslacion 2024.

Facebook Comments