IMAHE NG ITIM NA POONG NAZARENO NG QUIAPO, BUMISITA SA ST. VINCENT FERRER PRAYER PARK SA BAYAN NG BAYAMBANG

Muling bumisita sa Pangasinan ang Imahen ng Poong Nazareno ng Quiapo nito lamang ika-28 ng Enero, taong kasalukuyan.
Ang poon ay partikular na bumisita sa St. Vincent Ferrer Prayer Park sa bayan ng Bayambang kung saan sinalubong ito ng may galak ng mga debotong dumagsa para masilayan ang banal na imahe.
Nagsawa ng vigil sa pinagluklukan nito upang taimtim na makapanalangin ang mga deboto.

Samantala, matatandaang una ng bumisita ngayong taon ang mapagmilagrong poon nito lamang unang linggo ng Enero para lumibot naman sa mga simbahan sa Pangasinan bilang bahagi ng selebrasyon ng kapistahan ng Itim na Nazareno ngayong 2023.
Layunin ng pagbisita ng imahen sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas ay upang ilapit na sa mga deboto ang imahe para hindi na dumayo pa sa Quiapo, Maynila ang mga ito na nagiging sanhi ng sobrang siksikan ng tao tuwing ginugunita ang selebrasyon nito. |ifmnews
Facebook Comments