Imahe ng Our Lady of Fatima sa Marikina, inaprubahan ng Vatican para sa Canonical Coronation

Inaprubahan na ni Pope Francis ang canonical coronation ng image ng Our Lady of Fatima sa Diocesan Shrine and Parish of Saint Paul of the Cross sa Marikina City.

Ayon sa ulat ng Catholic Bishops Conference of the Philippines, sinabi ni Bishop Ruperto Santos ng Antipolo Diocese na nakasasakop sa simbahan sa Marikina, nakatanggap sila ng abiso mula sa Dicastery of Divine Worship and the Discipline of Sacraments mula sa Vatican na aprubado na ang koronasyon ng imahe.

Gagawin aniya ang koronasyon sa pamamagitan ng isang misa sa Mayo 12 ng alas nuwebe ng umaga.


Umaasa si Bishop Santos na dahil sa canonical coronation, lalo pang lalalim ang pananampalataya ng mga deboto ng Our Lady of Fatima.

Sa ngayon, anim na imahe na ng Blessed Virgin Mary na nasa ilalim ng Antipolo Diocese ang nabigyan ng pontifical coronation.

Facebook Comments