Sta. Catalina, Ilocos Sur – Dinaragsa na ng mga deboto ang isang kongkretong pader ng isang bahay sa Barangay Subec, Sta. Catalina, Ilocos Sur kung saan biglang may lumitaw na imahe umano ni Hesukristo.
Ayon kay aldwin Jomar Rafanan, noong Huwebes lamang niya nakita ang umano’y mukha ng poon nang mapadaan siya sa bahay ng kaniyang tiya.
Paliwanag naman ni Fr. Abbot Santos Rabang, pinuno ng catechetical ministry ng archdiocese ng Nueva Segovia, kailangan munang sumailalim ang pader sa pag-aaral bago gawing isang lugar ng debosyon.
Hindi ito ang unang pagkakataon na may lumabas na imahe umano ni Hesukristo dahil noong taong 2013, nagpakita rin ang imahe nito sa bahagi ng sea wall na naging groto na ngayon para sa mga deboto.
Facebook Comments