Nanawagan ang IMAM Council of the Philippines sa mga Muslim at Kristiyano na maging mahinahon sa kabila ng mga nangyaring pambobomba sa Jolo, Sulu at Zamboanga.
Ayon kay Aleem Said Ahmad Basher – ang Chairman ng IMAM Council of the Philippines, ang mga nangyaring kaguluhan ay hindi maituturing na religious war, lalo at hindi hidwaan ng Muslim at Kristiyano bagkus ito ay kagagawan ng isang demonyo.
Sinabi naman ni National Commission on Muslim Filipino Sec. Saidamen Pangarungan na huwag pahintulutan ang karahasan na mangingibaw sa Mindanao.
Aniya, sa lahat ng relihiyon ang karahasan ay ipinagbabawal.
Sa panig ng PNP, sinabi ni NCRPO Director Guillermo Eleazar na may commitment ang Pambansang Pulisya na gawin ang lahat para sa tunay na kapayapaan sa lugar.
Sa pagtatapos ng kanilang programa lumagda sa isang Covenant ang iba’t ibang Sektor na nakiisa sa solidarity walk.
Anuman ang Kultura, pananampalataya at Relihiyon, nangako sila ng buong puso para sa kanilang sinumpaang tungkulin para sa isang payapa at maunlad na pamayanan ngayon at sa susunod na henerasyon.