IMAXIMIZE ANG LUPA | Mga gusali sa Marawi City, hindi dapat mataas – Pangulong Duterte

Marawi City – Naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na dapat ay mga mababang bahay at mga istraktura lamang ang mayroon sa Marawi City.

Ayon kay Pangulong Duterte, dapat ay matuto na ang lahat sa pag-atake ng Maute sa lungsod at ginamit ang mga matataas na gusali para gawing snipers area.

Sinabi ni Pangulong Duterte, hindi bagay ang mga matataas na gusali sa Marawi City dahil malawak naman ang lupain kaya maaari naman itong i-maximize ng mga residente.


Hindi aniya tulad dito sa Metro Manila kung saan limitado ang lupain kaya pataasan ng gusali ang labanan.

Sa harap nito ay nanawagang muli si Pangulog Duterte sa lahat ng sector na magkaisa sa muling pagbangon ng Marawi City.

Facebook Comments